Perci intalan biography wife
Perci Intalan talks about his shift from being TV5 executive to full-time director
Sumabak na nga nang tuluyan sa television directing si Perci Intalan, ang former TV5 Creative and Entertainment Head.
Ito ay matapos maging successful ang unang movie na kanyang dinirihe, ang award-winning Dementia na pinagbidahan ni Nora Aunor at Jasmine Curtis-Smith.
Ang Lola Basyang at Parang Normal Activity ay dalawa sa dinidirehe ngayon ni Perci na eere sa TV5 ngayong July.
Nakapanayam ng (Philippine Entertainment Portal) si direk Perci sa press launch ng Parang Normal Activity nong Biyernes ng hapon sa Lola Cafe, Tomas Morato, OC.
Ayon sa kanya, nakaramdam raw siya nang takot sa unang pagsabak niya sa pagdidirect sa telebisyon para sa isang drama anthology.
Sabi nga ni direk Perci, “Nung una nakakatakot… unlike sa film, maraming sequences sa TV.
“In fairness nga sa Wattpad na nagi-invite na dati na i-direct ko, sabi ko baka hindi ko kakayanin sa dami ng sequences.
“Nong unang sabak ko was already sa Ipaglaban Mo [ABS-CBN show topbilled by Nadine Samonte, Chanda Romero and Ian De Leon].
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Nong nag-usap kami, in fairness kay Lauren [Dyogi], they were accommodating sa tamang pick ko ng istorya… feeling ko kaya ko.
“Kinunsulta nila ako sa script, sa casting, so napaka-welcoming.
“Alam nila na galing akong film, in-explain ko pa na medyo alalayan nyo lang ako muna.
“Nong natapos ko naman lahat ng sequences, sabi ko, okay mukhang kakayanin ko ito.
“So nung gagawin ko itong mga shows, buti na lang part ako ng pag-create.
“Kaya medyo dumali-dali dahil alam ko kung nasaan yung mga shortcuts, mga importanteng sequences.”
�
�
CONFUSION.
Naging vice president sa TV5 for Drama and Entertainment si Perci nang ilang taon bago siya tumawid sa pagdidirehe.
Inamin niyang meron na siyang interes dati pa sa pagdidirehe dahil sa influence ng kanyang asawa, ang creative writer-TV/film director sa si GMA-7 na si Jun Lana.
Pero hindi raw niya sineryoso ang ideya, “Interes nandun pero yung accept ko, hindi ko alam kung I was just limiting myself.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Accept ko na ang lugar ko ay producer at writer, marami pa namang director at magagaling naman sila.
“Hindi ko inisip na sasama ako sa side na yun.”
Ang asawa raw niyang si Jun ang nag-convince sa kanya, “Honestly, na-enjoy ko naman talaga siya.”
Na-confuse nga raw yung mga staff sa TV5 production kung ano ang itatawag sa kanya, direk ba o sir?
“Sabi ko kahit na ano, kahit sir, kahit direk, kahit Perci, it doesn’t matter, pero now nasasanay na akong tawaging direk.
“Pero noong una, nong Dementia akala ko si Jun ang tinatawag, nasanay kasi akong si Jun, hindi ako.
“Sa Ipaglaban, ’ganon din, pag tinawag ako, ay, nandyan si direk Ruel [Bayani] kasi siya ang business unit, tapos si Loren.
“Ang tagal bago mag-sink in.”
�
�
HOPEFUL. Paano tinanggap nang TV5 yung bagong career niya samantalang sa executive seat siya dati nakaupo hindi sa director’s chair?
CONTINUE READING BELOW ↓
“Nakakatuwa naman kasi ang TV5 dahil yung Dementia sinuportahan na nila from the time pa lang na pinitch ko.
“Kaya hindi ko naramdaman yung apprehension nila na, ‘Ay, ikaw magdi-direk?
Ikaw mismo?’
“Nung prinisent ko yung movie, kay MVP [TV5 owner Manny V. Pangilinan], kay Noel Lorenzana our president…
“Pati buong PLDT board, nandun sa special screening.
“Siyempre tense na tense ako bilang producer and now papanoorin nila yung film.
“They like it naman, so parang nagkaroon naman ako ng kumpiyansa sa sarili ko.”
Diretso na ba ang paggawa niya ng TV shows?
“Sana, sana.
Sana rin makabalik ako sa paggawa nang pelikula.
“Sabi nga ni Jun, ‘Huwag ka nang magtaka kasi yan ang mark ng pagiging director mo.
“Lagi kang nai-insecure, lagi kang nawawalan ng kumpiyansa.
“Normal ‘yan sa pagiging director, normal ‘yan sa pakiramdam.
“Lagi kang nagtatanong sa sarili mo kung tama ba ang shots mo, tama ba ang coverage?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
“Naiintindihan ko now, yun din naman ang motivation ko para gandahan pa the next time.”
May mga naka-line up na projects na gagawin si Direk Perci maliban sa dalawa nitong show sa TV5.
Lahad niya, “May film akong utang sa Regal na dinivelop na namin
“Drama naman ito starring Lovi Poe, grumadweyt na ako sa horror.
“Nakapila na ‘yan, hinihintay ko na lang na lumuwag ang schedule.”
Read Next
Post a Comment